MAPAPATAWAD MO BA AKO
Wednesday, August 9th, 2006"by Vamt Logan 5/07/02"
Mapapatawad mo ba ako?
sa mga pagkukulang ko sayo
sa mga kasalanang nagawa
sa bawat sandaling wala ako sa piling mo
Mapapatawad mo ba ako?
sa mga pagkakamali ko sayo
sa mga bagay na nagawa
sa bawat minutong ako’y wala sa piling mo
Ho! patawad
sa akin ay Igawad
Hiling ng Pusong Ito
Mapapatawad mo ba ako?
sa pagpapasakit ko sayo
sa mga kasalanang nagawa
sa bawat sandaling wala ako sa paningin mo